Angat, Ipo at Bustos Dam, mahigpit pa ring binabantayan ng PDRRMC

Patuloy na binabantayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Bulacan ang water level ng tatlong malalaking dam sa probinsya, ang Angat, Ipo at Bustos.

Kahit kasi normal na ang panahon sa probinsya simula noong Sabado ay ilang lugar pa rin sa tatlong coastal municipalities kabilang ang Calumpit, ang nananatiling lubog sa baha dahil sa high tide bunsod ng pagpapakawala ng tubig ng Ipo at Bustos Dam.

Sabi ni PDRRMO chairman Governor Daniel Fernando, base sa flood advisory na inilabas alas-5:30 kahapon, nakikitang mangyayari ang pag-apaw ng mga ilog ngayong araw dahil sa epekto ng high tide sa mga baybaying-dagat.


Tiniyak naman ni Fernando na patuloy nilang tinutugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng pagbaha sa Calumpit katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabuuang 537 pamilya o 1, 656 na indibidwal na apektado ng pagbaha ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa Bulacan.

Facebook Comments