Angel Locsin at Jane De Leon, bati na!

Natuldukan na kaagad nina Angel Locsin at Jane De Leon ang intrigang namumuo sa pagitan nila.

Kaugnay ito ng hinala ng netizens na isa si Jane sa mga pinaringgan ni Angel nang manawagan ito sa kapwa Kapamilya stars na manindigan para sa ABS-CBN.

Kahapon, tinapos na nina Angel at Jane ang intriga sa pagitan nila na pinalaki lang ng netizens ang isyu.


Say ni Angel, may iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng suporta at nauunawaan niya ang iba na hindi sumasama sa protesta dahil sa takot ng COVID-19.

Nagsorry rin si Angel sa sinumang nasaktan niya sa kanyang mga sinabi.

Kasabay nito, may ipinost sa kanyang Instagram stories si Jane ng screenshot ng video call niya kay Angel kung saan makikitang nagtatawanan ang dalawa kasama ang aktres na si Iza Calzado.

Facebook Comments