Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal na!

Ikinasal na sina Angel Locsin at Neil Arce, ito ay kinumpirma nila sa kanilang latest vlog sa YouTube at sa Instagram post ng mag-asawa.

Kalakip ng litratong ipinost ng mag-asawa ang caption na “And just like that ❤️ Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig” at “Pamine”.

Bumuhos ng pagbati ang naturang post ng bagong kasal.


Kinumpirma rin ang kasalan ng best friend ni Angel na si Dimples Romana sa isang Instagram post.

Inaasahan ilalabas ng mag-asawa bukas ang ibang detalye ng kanilang nangyaring civil wedding ceremony.

Matatandaan na ilang beses na rin na-postpone ang kasalan nina Angel at Neil dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments