Angel Locsin at Neil Arce, may payo sa mga nafe-friendzone

200

Nagpakilig nanaman sa netizens ang couple na sina Angel Locsin at Neil Arce matapos ilabas ang bago nilang vlog sa Youtube.

Sa video, pinag-usapan ng lovebirds kung paano sila nagkakilala at naging “friends turned lovers.”

Say ni Neil, pitong taon silang naging matalik na magkaibigan bago naging magka-ibigan.

Awkward pa nga raw sila noong una pero in-embrace nalang nila ang awkwardness para mag-work ang kanilang relasyon.

Nagbigay naman ng payo ang dalawa sa mga na-stuck sa friendzone at mga magkaibigan na nais maging “next level” ang relationship.

Ayon kay Angel, siguraduhin na gusto talaga ang isa’t isa dahil kung mahal mo aniya ang isang tao ay gagawin mo lahat ng best para sa kaniya.

Dagdag pa ni Angel, isa sa mga perks kapag nakatuluyan mo ang bestfriend mo ay mas mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa dahil may foundation na ang inyong friendship.




Sa ngayon, engaged na ang couple at nakatakda sanang ikasal ngayong taon ngunit pinostpone muna dahil sa pandemya.

Facebook Comments