Angel Locsin, binigyang parangal ng Film Development Council of the Philippines

Ginawaran ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang aktres na si Angel Locsin ng ‘Cinemadvocate Award’ kaugnay ng proyekto nitong #UniTENT para sa mga healthworker sa iba’t ibnag ospital sa Metro Manila bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon sa FDCP, ang nasabing proyekto ng aktres ay nagbigay inspirasyon sa ilang mga aktor na magbigay din ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng pandemya.

Sa Instagram account ni Angel, ibinahagi nito ang video mula sa FDCP kung saan ilang personalidad ang nagpatunay na tiniyak ng aktres na makakaabot sa nangangailangan ang tulong na kanilang ibinahagi.


Lubos naman ang naging pasasalamat ng aktres sa pagkilalang natanggap maging sa mga taong tumulong at nagbigay ng donasyon para maging posible ang kaniyang proyekto.

Nabatid nasa P11 million ang kaniyang nalikom na dahilan para umabot sa 246 tents para sa 135 na mga ospital ang kanilang naitayo.

Facebook Comments