Hindi nakapagtimpi at sinagot ni Angel Locsin ang pambabatikos ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naitulong ng ABS-CBN sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Matatandaang sinabi ni Roque sa panayam ng ANC na hindi sapat ang ibinuhos na tulong ng media giant, tulad daw ng ginawa ng Ayala group at ni Manny Pangilinan.
Ani Roque, “I know you donated P200 million of your own money but the rest you raised from your TV programs through your calls for donation but these to companies did it on their own.”
Tugon dito ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram story, “Pambihira. Imbes na magpasalamat at may sumasalo, nagawa mo pang tuligsain.”
“Kusang loob po iyan at hindi obligasyon dahil government naman po talaga dapat ang gagawa nito pero humingi po kayo ng tulong di ba kasi hindi kaya?” dagdag pa ni Locsin.
Hirit pa ng aktres, “Wala nga akong narinig na naitulong mo pero nagawa mo pang magsalita ng ganito.”
Sa ngayon, lumagpas na sa 61,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 1,643 na ang namatay, habang 21,440 naman ang gumaling na.