Angel Locsin, buntis na nga ba?

Tila guessing games sa mga fans ang inilabas na larawan ni Angel Locsin kung saan kapansin-pansinc ang biglang pagtaba nito.

Ang paglabas ng larawan ay kasabay ng pagbati ni Angel ng father’s day sa kaniyang ama at sa boyfriend niyang TV at Film Producer na si Neil Arce.

Ayon sa mga netizens, tila indikasyon ito na buntis na si Angel dahil sa paraan ng pagbati nito kay Neil.


Matatandaang bago si Angel, naging kasintahan muna ni Arce sina Bella Padilla at Maxene Magalona.

Ngayong taon na sana ikakasal sina Locsin at Arce pero ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Neil ay meron nang anak na lalaki na edad 13 taong gulang.

Facebook Comments