Angel Locsin, inaming kasalanan niya ang nangyaring kaguluhan sa community pantry sa Quezon City; pamilya ng nasawi, handang tulungan ng aktres

Aminado ang aktres na si Angel Locsin na kasalanan niya ang nangyaring pagdagsa ng tao sa kaniyang itinayong community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City na ikinasawi ng isang matandang lalaki.

Sa Facebook post ng aktres, sinabi nitong nakausap na niya ang pamilya ng nasawi at inihayag na bibigyang prayoridad nito ang pagtulong sa pamilya ng naiwan.

Una na itong humingi ng tawad sa pamilya ng biktima at iginiit na hindi niya intensyong magkagulo ang publiko.


Kasabay nito, nakiusap din si Locsin na sana ay huwag nang idamay pa ang ilang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, ibabahagi na lamang niya sa ibang community pantry ang matitira sa kaniyang pantry sa oras na mabigyan na ang lahat ng nakapila.

Facebook Comments