Angel Locsin, magla-lie low muna sa Showbiz

Kinumpirma ng aktres na si Angel Locsin na pansamantala muna siyang titigil sa kanyang career.

Say ng aktres, magkakaroon siya ng ‘break’ para mas paghandaan ang kasal nila ng TV/film producer na si Neil Arce.

Matatandaan na inanunsyo nina Angel at Neil ang pag-iisang dibdib nila pero wala pang malinaw na detalye sa magaganap na kasal.


Gayunman, target ng dalawa na sa susunod na taon isagawa ang kasal at si Kris Aquino ang unang nakumpirma na isa sa mga ninang.

Nagsimula ang kanilang love story noong February 2018 at naging makaibigan sila sa loob ng pitong taon.

Facebook Comments