Angel Locsin, may kakaibang regalo para sa kaniyang ama; Anne Curtis, nakasama ang isa sa mga miyembro ng Big Bang

Isang kakaibang regalo ang ibinigay ngayon ng aktres na si Angel Locsin para sa kaniyang ama.

Nabatid na isang beach resort ang binili nito na pangarap daw ng kaniyang daddy kung saan matatagpuan ito sa Zambales.

Say ni Angel, mula nang pumasok daw siya sa showbiz ay pinag-ipunan niya talaga ang nasabing beach resort at hindi daw niya akalain na makukumpleto niya ang bayad para dito.


Samantala, thankful ngayon si Anne Curtis matapos maka-bonding si Seungri na isa sa mga miyembro ng K-pop group na Bigbang.

Nag-post pa si Anne ng picture habang kasama si Seungri at mga kaibigan na sina Ryan Bang at Sandara Park.

Facebook Comments