Angel Locsin, na-intimidate nga ba kay Solenn Heussaff?

Inamin ng aktres na si Angel Locsin na nakakaramdam siya ng intimidation kay Solenn Heussaff.

Ito ay sa kabila ng pagiging tanyag na aktres.

Sa podcast ni Matteo Guidicelli, naikuwento ni Locsin na dumating siya sa punto na nagtatangkang umuwi kapag nakakasabay sa mga audition ang aktres at model na si Solenn.


Ayon pa sa beteranang aktres, kilala si Solenn bilang babaeng raketera noon dahil palagi itong naghahanap ng paraan para makatulong sa pamilya.

Aniya pa, simple lamang ang pamilya nila at wala sa kanila ang pumasok sa pag-aartista kaya alam niyang may limitasyon ang itsura lalo na kapag inihanay kay Heussaff.

Bukod sa husay sa pag-arte, kinikilala rin si Locsin sa kaniyang kontribusyon sa maraming Pilipino lalo na sa gitna ng mga kalamidad at pandemya.

Facebook Comments