Angel Locsin, nagpaliwanag sa insidente sa itinayong birthday community pantry

Agad ngayong nagpaliwanag ang aktres na si Angel Locsin sa naganap na insidente kaninang umaga sa kanyang itinayong birthday community pantry sa Quezon City.

Nabatid na dinumog ang community pantry ni Angel sa Brgy. Holy Spirit kung saan isang senior citizen na pumila rito ang namatay.

Ayon kay Angel, hindi niya intensyong makagulo at gusto lamang niya na makatulong sa mga tao sa kanyang birthday.


Hindi raw niya ginusto ang nangyari at nagkataon lang talaga na siguro ay gutom ang mga tao kaya may mga sumingit sa pila.

Kasabay ng paghingi ng pasenya ay inihayag ng aktres na hindi na nito itutuloy ang itinayong community pantry.

Facebook Comments