Angel Locsin, pinalagan ang netizen na tinawag siyang ‘sawsaw’ sa Bea-Gerald-Julia isyu

Sinagot ni Angel Locsin ang akusasyon ng isang basher na nagsabing nakikisawsaw siya sa isyu ng umano’y pagiging third party ni Julia Barretto kina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Matatandaang naging usap-usapan ang pag-unfollow nina Locsin, Angelica Panganiban at Loisa Andallo kay Barretto sa Instagram sa kasagsagan ng rumored relationship nito kay Anderson.

“Ano ang ginawa ni Julia sa iyo para makisawsaw ka sa issue @143redangel Dissapointing!!!!” tweet ng fan ni Barretto.


Palaban naman itong sinagot ni Locsin ng: “Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumawsaw. Ikaw ang disappointing.”

Isa pang fan ang parehong minention si Angel at Loisa sa tweet kung saan sinabi nitong “insecure yata” ang dalawang aktres sa idolo niyang si Julia.

Sa huli ay tinawanan na lang ni Locsin ang pangalawang basher.

Burado naman na ang mga nabanggit na tweet, ngunit mabilis na na-screengrab ng Fashion Pulis:

Facebook Comments