Angel Locsin, sporting fresh sa kaniyang bagong hairstyle

‘Not a throwback snap.’

Iyan ang mensahe ng aktres na si Angel Locsin sa kaniyang mga fans matapos niyang gulatin ang mga ito ng isang larawan before at after ng kaniyang hair treatment.

Sa Instagram account ng aktres, makikita ang fresh, but familiar hairstyle ni Angel kung saan may caption itong “That 2000’s flat iron hair days. Should we bring this look back?”


Ilang netizens naman ang nagsabing matagal na ang larawan na sinagot naman ni Angel na kamakailan lamang ito.

Pinasalamatan naman ni Angel ang hairstylist na si Celeste Tuviera para sa kaniyang transformation.

Matatandaang una nang nag-trending ang ilang artistang niyanig ang social media sa pamamagitan ng kanilang bagong hairstyle partikular na si Sarah Geronimo.

Facebook Comments