Angel Locsin, trending matapos mag-cameo sa Kadenang Ginto

1963
Courtesy of Kadenang Ginto

Nag-trending si Angel Locsin sa Twitter matapos mag-cameo appearance sa number 1 hit teleserye sa hapon ang Kadenang Ginto nitong Huwebes.

Ang naturang eksena ay sumilip si Angel ng ilang segundo sa kwarto ng hospital kung saan naroroon si Romina Mondragon, na ginagampanan ni Beauty Gonzales, kasama ang mga pulis at Daniela Mondragon o Dimples Romana.


Nagulat naman ang mga netizen sa pitong segundo na cameo ni Angel sa episode.

Hindi naman sa tago sa publiko ang pagiging malapit na kaibigan ni Dimples at Angel.

Napadaan din noon si Bea Alonzo sa taping ng Kadenang Ginto na nag-trending din sa Twitter nitong Hulyo 19.

Si Angel Locsin ay nanalo ng FAMAS award at Film Academy of the Philippines bilang best actress sa kaniyang pagganap sa One More Try noong 2013. Kilala siya bilang Alwina ng Mulawin at iconic Pinay superhero na Darna.

Facebook Comments
From Advertisers