Angel Locsin, tumanggap ng karangalan sa 2020 FAMAS Award

Tumanggap ng karangalan sa 2020 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Award si Angel Locsin na ginanap sa FAMAS Digital Awards sa iFLIX nito lamang December 20.

Sa Instagram post ni Angel, sinabi niyang nanghinayang siya dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho si Fernando Poe Jr. o mas kilalang “Da King” na kaniyang iniidolo.

Sa kabila nito, pinasalamatan ni Angel ang pamilya ni FPJ at ang FAMAS staff maging ang kaniyang fans na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.


Bukod kay Angel, kabilang din sa nakatanggap ng award sina Pokwang, Liza Soberano at Matteo Guidicelli.

Facebook Comments