Angelica Panganiban at Carlo Aquino muling magtatambal sa isang pelikula

Sinimulan na nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang shooting ng kanilang bagong pelikula sa ilalim ng Star Cinema nitong Martes.

Nauna nang inanunsyo ni Carlo na muli silang magtatambal ng aktres noong nakaraang linggo.

Nagpost ang direktor na si Dan Villegas ng larawan ng dalawa na nagkakaroon ng “look-test” sa social media.


Lalo pang pinakilig ni Carlo ang mga fans nang magpost siya ng larawan nilang dalawa ni Angelica sa instagram. Wala pang nilalabas na detalye patungkol sa nasabing pelikula.

Facebook Comments