Angelica Panganiban, handa na bang magmahal muli?

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram ng sunud-sunod na posts na patungkol sa hugot niya sa pag-ibig.
Noong June 20, nag-post siya ng isang litrato ng kanyang kama na may stick figure at isang babaeng nakahiga na may written text na tila naghahanap siya ng potential “applicants” na “for rent” at “for lease”.
Sabi pa ni Angelica, “Announcement: baka may kakilala kayo? Negotiable ang terms ko. Tumatanggap na ako ng applicants!”
Nagpost pa ito ng isang story na may nakasulat na “ikaw nalang kulang”.
Laging pinapaalalahanan ni Angelica na ang sariling “bawal mahulog” o kaya naman ay “always look out for your ♥ sa kanyang instagram account.”


Facebook Comments