Angelica Panganiban, hindi na kaibigan ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino

Itinuturing na daw ng aktres na si Angelica Panganiban na hindi na sila magkaibigan ng ex-boyfriend nito na si Carlo Aquino.

 

Say ni Angelica hindi na kasi sila nagkakaunawaan ng aktor.

 

Taliwas naman ito sa una nang sinabi ni Carlo ang dahilan ay napo-falling out na daw siya sa romantic expectations mula sa kanilang mga fans.


 

Inamin din ni Angelica na matagal na silang walang komunikasyon ni Carlo.

 

Una na rin sinabi ni Angelica na dumidistansya na siya kay Carlo habang may mga larawan na may kasamang ibang babae naman ang aktor habang nagbabakasyon.

 

Bagama’t walang pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon marami ang natuwa sa muling tambalan noon nakaraang taon ng dalawa.

Facebook Comments