Angelica Panganiban, nanawagan ng suporta para tuluyan nang maka-move-on

Nanawagan ngayon ng suporta ang aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang mga fans.

Ito ay para tuluyan na daw makapag-move on sa pagiging broken hearted kung saan hindi naman nito tinukoy kung kanino at sino ang guy.

Say pa ni Angelica sa kaniyang Twitter account, nais daw niyang magsimulang mag-move on kapag natapos na ang teleserye na pinagbibidahan nito kasama ang ex-BF na si Carlo Aquino.


Dagdag pa ni Angelica, now lang daw niya naramdaman na totong nasaktan siya sa taong minahal daw niya ulit.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, ipinahayag ni Angelica na iiwasan na daw niya si Carlo dahil sa negative issues na lumalabas kung saan siya ang sinisisi ng fans ng aktor.

Facebook Comments