Dinala na sa Twitter ni Angelica Panganiban ang galit nito sa telecommunications company na Sky Cable dahil isang buwan na umanong naghihintay ang aktres na makabitan ng Wi-Fi sa bahay.
Hi @SKYserves one month na po… Hindi niyo pa rin ako sinisipot? Ano ito? Drawing? Kailangan umabot sa Twitter?
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 19, 2019
Sinabi ng aktres na nakakapagod nang mag-set ng schedule sa kumpanya gayong wala namang pumupunta sa kaniyang bahay.
Nakaka pagod mag pa schedule at mag hintay sa kanila. Tapos walang darating na tao. Anokayayun? Bat pa nag pa sched. One month na eh. https://t.co/zpe97jeNZH
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 19, 2019
Napansin naman ng nasabing internet provider ang rant ng aktres at humingi ng paumanhin.
Nakiusap din ang Sky Cable kay Panganiban na magpadala ng direct message para umano maasikaso nang maayos ang problema.
Hindi pumayag ang aktres at nagpatuloy sa pagsasapubliko ng reklamo nito sa Sky Cable para na rin aniya may mga testigo siya.
We would appreciate if you can follow us back for us to assist you further over DM instead. Thanks. 😀
— SKY (@SKYserves) June 20, 2019
Sinabi ng aktres na nakapagbayad na siya ng P8,000 sa Sky Cable at iginiit nitong gusto niya ng dalawang buwang refund.
Una, gusto ko ng 2month refund. Pangalawa, mag trabaho kayo. Kaya po ba?
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 20, 2019
Dahil dito, nagsilabasan din ang mga netizens na may reklamo rin sa nasabing telco.
Ani Panganiban, “Sila din oh. Pa asikaso. Ang dami pala namin. Kalerks.”
Sana yung susunod na mga tweets natin, nagpasalamat na tayo sa @SKYserves. Sana magising ako sa doorbell nila. Yung, tinupad na nila mga pangako nilang mag install ng wifi. Para sulit naman yung binabayaran ko. 8thousand na po ang lumipad mga tita sa SKY! Kalerks na po.
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 19, 2019
Sa mga huling tweet ay idinaan na lang sa biro ng aktres ang stress nito sa kawalan ng internet.
Yung love life ko parating na. Yung sky na pa internet, wala pa riiiin! Huuuy mami!
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 20, 2019
Ganda ko na o, pero wala akong internet. 🙂 pic.twitter.com/4jDesYNTL3
— Angelica Panganiban (@angelica_114) June 20, 2019