Angelica Panganiban, napikon sa isang telco dahil 1 buwan pinaghintay sa Wi-Fi

302
Courtesy: Facebook / Angelica Panganiban

Dinala na sa Twitter ni Angelica Panganiban ang galit nito sa telecommunications company na Sky Cable dahil isang buwan na umanong naghihintay ang aktres na makabitan ng Wi-Fi sa bahay.


Sinabi ng aktres na nakakapagod nang mag-set ng schedule sa kumpanya gayong wala namang pumupunta sa kaniyang bahay.

Napansin naman ng nasabing internet provider ang rant ng aktres at humingi ng paumanhin.

Nakiusap din ang Sky Cable kay Panganiban na magpadala ng direct message para umano maasikaso nang maayos ang problema.

Hindi pumayag ang aktres at nagpatuloy sa pagsasapubliko ng reklamo nito sa Sky Cable para na rin aniya may mga testigo siya.

Sinabi ng aktres na nakapagbayad na siya ng P8,000 sa Sky Cable at iginiit nitong gusto niya ng dalawang buwang refund.

Dahil dito, nagsilabasan din ang mga netizens na may reklamo rin sa nasabing telco.




Ani Panganiban, “Sila din oh. Pa asikaso. Ang dami pala namin. Kalerks.”

Sa mga huling tweet ay idinaan na lang sa biro ng aktres ang stress nito sa kawalan ng internet.

Facebook Comments