Angelica Panganiban, plano nang layuan si Carlo Aquino

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang desisyon ng aktres na si Angelica Panganiban na i-unfollow sa Instagram ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino.

Nabatid kasi na isang netizen ang nag-react sa ginawang pagpo-post ng sweet pictures ni Angge habang kasama si Carlo kung saan karamihan daw sa mga fans ng actor ay hindi ito nagugustuhan.

Dagdag pa ng netizen, todo post daw ang aktres habang kahit isang pictures kahit mensahe o komento ay wala daw inilalagay si Carlo kaya at feeling nila na si Angelica lamang ang may gusto nito.


Dahil dito, humingi ng paumanhin si Angelica saka sinabing mananahimik na lamang siya pagdating sa usapin kay Carlo at plano na din daw niya itong layuan.

Facebook Comments