Angelica Panganiban, pumatol sa netizen na tinawag siyang ‘bobo’

Instagram/iamangelicap

Hindi nagpaapi si Angelica Panganiban nang tawagin siya ng isang netizen na “bobo”.

Nag-ugat ito sa komento ng aktres sa balita ng Rappler hinggil sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang window hours sa pamimili sa umiiral na enhanced community quarantine.


“Sa Tagalog po? Ano po sinasabi?” tanong ni Panganiban sa naturang Instagram post nitong Lunes.

Dito, isang netizen ang sumagot sa kanya ng, “Bobo ka?”

Wala namang prenong sumagot ang aktres ng, “Yes. Matalino ka kasi eh. Bawal magtanong?”

Kinampihan naman siya ng ilang netizens na nagsabing seryoso ang tanong ng aktres at hindi kailangang mang-insulto.

Mayroon pang isang commenter na nagbigay ng paliwanag sa nasabing balita.

Samantala, kamakailan lang, namahagi si Panganiban ng food packs sa mga frontliner sa ilang ospital tulad ng The Medical City at Cardinal Santos Medical Center.

View this post on Instagram

450 meals for today 🙌🏼 Lahat po para sa frontliners natin. Naipadala po namin sa Medical City and Cardinal ang lahat, sa tulong ulit ng AFP 🙂 nakagawa kami ng sarsiadong pampano at blue marlin, adobong pusit, baked salmon w/ salmon fritters, chicken bbq, boneless ribs, giniling w/eggs, chopseuy, salted egg shrimp, roast beef, longganisa hubad w/ eggs, crablets, adobo w/ pork cracklings. Salamat ulit @jared_stotomas at sa tipsy cooks natin para sa nakakagigil na pagkain. Special shout out to @teamangelsofficial11 sa donation. Sila po ang sumagot ng packaging for today. Malaking malaking bagay. Sa next wave po namin, nais po namin mag bigay tulong sa mga barangays na nahihirapan maka kuha ng supplies. Bukas po ang comments para makapag bigay kayo ng suggestions. At gagawin po ng grupo ang lahat ng makakaya. Salamat @tipsypig_ph para sa pagbukas muli ng pinto. At sa re packing team @pocholobarretto @msbarbieimperial @legslegaspi @smokey_manaloto @khangkers @pattyyap @ryanordonez ‘sa uulitin 🤍

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Facebook Comments