Angelica Panganiban, tumangging makipag-reunion kay Carlo Aquino

Tinanggihan ni Angelica Panganiban ang hiling ng ilang fans na manumbalik ang magandang samahan nila ng dating boyfriend na si Carlo Aquino.

Sa Instagram post, ibinahagi ng isang ‘CarGel’ fan ang picture kung saan makikita sina Angelica at Carlo kasama ang dalawang kaibigan na naging malapit sa kanila noon.

Prangkang sinagot ni Angelica ang netizen, sinabi niya na ayaw na niya.


Say pa niya, hindi siya ‘bobo’ para makipagkita muli kay Carlo.

Matatandaang nitong Marso 2019 nang kumpirmahin ng aktres na wala silang komunikasyon ng aktor at inamin niyang nagkasira ang pagkakaibigan nila.

Sina Angelica at Carlo ay dalawang beses naging magkarelasyon sa loob ng anim na taon noong kabataan nila.

Facebook Comments