Umalma ang aktres at Longos, Malabon City captain Angelika dela Cruz sa komento ng isang netizen na wala umano siyang ginagawa sa kanilang barangay bilang namumuno sa kabila ng sitwayson ngayon dahil sa COVID-19.
Matapos ideklara ni Presidente Rodrigo Duterte na community quarantine ang buong Metro Manila, nagsimulang manawagan ang mga barangay na siguruhing nasusunod ang security measures na ipinataw ng gobyerno.
Kaugnay nito, isang netizen ang nagpost sa Twitter tungkol sa aktres.
Sa tweet ay sinabi raw nito na mas inuuna daw ni Angelika ang magtago sa bahay, at nagbubura pa umano ito ng mga comments na hindi niya gusto.
Kabaligtaran daw nito ang pinakita ng aktres noong eleksyon sa mga mamamayan ng barangay.
Dahil sa mensahe ay matapang na sinagot ni Angelika ang naturang tweet at sinabing hindi raw purke hindi nagpo-post ng mga ginagawa sa kanilang barangay ay wala na umano siyang ginagawa.
Galit na pahabol pa nag aktres, isaksak daw ng netizen ang mga larawang ibinahagi niya sa social media para manahimik ito.
Sa mga litrato na ibinahagi nito sa Twitter, makikita ito habang naka-face mask at mayroong disinfectant na backpack.
Aniya, “Disinfecting our Barangay sorry konti and malabo ang pictures ✌🏻.”
— angelika (@angelikadlacruz) March 17, 2020
Sa Facebook ay ibinahagi rin ng aktres ang naturang mga larawan at nakiusap na sana raw ay alamin muna ang totoo bago manira ng tao.
Sabi ng aktres, hindi raw talaga ito kagaya ng eleksyon na kailangang kumamay at bumeso dahil sa sitwasyon ngayon ay kinakailangan daw ng social distancing para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.