Angeline Quinto, kinilig sa prank ni Erik Santos

Kinilig ang singer na si Angeline Quinto kahit prank lang ang ginawa sa kanya ng dating rumored boyfriend at singer partner na si Erik Santos.

Sa concert kasi ni Erik ay tila hinarana nito si Angeline at pinuntahan sa upuan kung saan siya nakaupo habang nanonood kasama ang kanyang ina.

Isang linya sa kanta ang binitiwan ni Erik at sinabing “kulang ako kung wala ka” pero sa huling verse ay biglang humarap si Erik sa mommy ni Angeline at doon nito sinabi ang kanta.


Sinabayan din ni Erik ng sabi kay Angeline na “akala mo Angge ikaw ah,” sabay tawa.

Agad naman naghiyawan ang mga manonood habang walang tigil sa pagtawa rin si Angeline sa prank sa kanya ni Erik.

Facebook Comments