Anggulong arson sa pagkasunog ng tanggapan ng DPWH sa Quezon City, wala pang linaw —NBI

Wala pang nakikitang malinaw na anggulo ang NBI sa kanilang imbestigasyon sa pagkasunog ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Officer in Charge Director Angelito Magno, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon aniya, wala pa silang makitang anggulong arson o pananadya sa sunog.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Magno na patuloy pa ang pangangalap ng mga ebidensya ng mga tauhan ng NBI.

Una nang inatasan ng Office of the Ombudsman ang NBI na imbestigahan ang nangyaring sunog sa DPWH Quezon City.

Facebook Comments