Anggulong inside job sa pagpaslang kay Tanauan Mayor Halili, kabilang sa iniimbestigahan

Tanauan, Batangas – Iniimbestiganhan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng inside job sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Chief Superintendent Edward Carranza, director ng Calabarzon police, hindi naman lagi kasi dumadalo sa flag raising ang alkalde.

Aniya, posibleng may nantibre sa suspek na dadalo noon ang alkalde sa flag raising.


Sabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde, bago mangyari ang pamamaslang kay Halili ay may nakaaway itong isang high-ranking general dahil sa land dispute.

Gayunman, tumanggi si Albayalde na magbigay ng iba pang impormasyon  hinggil rito habang umuusad ang imbestigasyon.

Sina director ng Calabarzon Police Chief Superintendent Edward Carranza at PNP Chief Oscar Albayalde.

Facebook Comments