Anggulong suicide at accidental firing, sinisilip sa pagkamatay ng isang pulis-Maynila

Sinisilip ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section ang anggulong suicide at accidental firing sa pagkamatay ng 41-anyos na pulis sa loob ng comfort room ng kanyang tahanan sa Tondo, Manila.

Ang nasabing pulis ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib mula sa sarili niyang service firearm na 9mm.

Unang nakarinig ng putok ang pinsan ng biktima at nang puntahan ito sa ika-apat na palapag ng kanyang bahay ay nakita itong wala nang buhay.


Huling nakita ang pulis na nagkukumpuni ng kanyang improvised swimming pool sa ikalawang palapag ng bahay.

Sinisilip din ng pulisya ang anggulong foul play.

Facebook Comments