Anggulong suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Jolo cathedral, lumakas pa

Lumaki pa ang posibilidad na suicide bombing ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral sa Sulu noong Enero a-bente uno.

Ito ay makaraang hindi magtugma ang DNA ng dalawang pares ng putol na paa na narekober sa simbahan sa 23 indibidwal na nasawi sa pagsabog.

Base rin sa inisyal na resulta ng DNA analysis, tumugma sa kanilang mga kaanak ang DNA ng lahat ng nasawi at wala ‘ni isa sa mga ito ang naputulan ng paa.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan sa interpol ang mga otoridad para malaman kung pag-aari ba ng Pinoy o dayuhan ang dalawang pares ng putol na paa.

Matatandaang sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang suicide bomber ang nasa likod ng Jolo twin bombing, habang ang grupong Abu Sayyaf na ‘Ajang-Ajang’ ang itinuturo ng militar.

Kinasuhan na sa Sulu Provincial Prosecutor’s Office ang limang naarestong suspek kabilang si alyas Kammah na sinasabing nasa likod ng pambobomba.

Facebook Comments