Angkas, balik- kalsada!

57

Nag-isyu ng provisional authority ang Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) para makabalik na sa kalsada ang Angkas.

Sa inilabas na desisyon ng TWG, sinabi nito na papayagan ang Angkas na makapag- operate bilang motorcycle taxi basta’t makasunod ito sa operational requirements ng National Task Force (NTF) gaya ng provision sa insurance rider at sa pasahero.


Ang mandatory na paglalagay ng thermal scanners para ma-detect ang COVID-19.

Gayundin ang pagsunod sa standard health protocols.

Ang provisional authority ay magkakabisa ngayong araw hanggang December 9, 2020.

Facebook Comments