Angkas, iginiit na bukas sila sa kompetisyon

Muling iginiit ng Motorcycle Hailing Service na Angkas na bukas sila sa kompetisyon.

Sa statement ng Angkas, binigyang diin nila na kailangang tanggalin ng gobyerno ang “Anti-Competitive” at “morally wrong” na cap o itinakdang bilang ng bikers kada Transport Network Company.

Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, mayroong merito na panatilihin ang status quo para sa Angkas na may 27,000 accredited bikes.


Dagdag pa ni Royeca, ang iba pang TNCS gaya ng Joyride at Move It ay nagsimula na may sariling riders, at walang katiyakan na ang natitirang 17,000 bikers ay makakapasok.

Matatandaang binanatan ng Technical Working Group ang Angkas dahil sa ‘emotional blackmail’ nito.

Facebook Comments