Umaasa ang motorcycle ride-hailing service na Angkas na makakabalik-pasada na sila ngayong araw.
Kaugnay ito ng nakatakdang pagsisimula ng pilot testing ng mga motorcycle taxi ngayong araw.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Angkas Spokesperson George Royeca na naghihintay pa sila ng certificate to allowance to operate mula sa Land Transportation Office (LTO).
Kumpiyansa din siya na positibo ang magiging resulta ng isinagawang inspeksyon ng LTO sa kanilang paghahanda.
Kabilang sa mga health protocols na ipatutupad ng Angkas bilang pag-iingat sa COVID-19 ay ang pagkakabit ng barriers, pagsusuot ng face mask, pagdadala ng sariling helmet at pagpapatupad ng cashless transaction.
Samantala, mula sa 23,000 Angkas riders sa Metro Manila, mahigit 6,000 na ang sumalang at nagnegatibo sa RT-PCR test.