Nagsimula na ang Angkas na magsagawa ng retraining para sa kanilang mga rider kasunod ng nakatakda pagsisimula ng test run para sa motorcycle taxi sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay George Royeca, head ng regulatory and public affairs ng Angkas, nagsimula na sila ng re-training para sa batas trapiko at safety guidelines para ibahagi sa kanilang mga pasahero.
Aniya, bibigyan ng bagong reflectorize vest ang rider na may handle sa bewang kung saan pwedeng humawak ang pasahero.
Sabi pa ni Royeca, mas maghihigpit na rin sila sa pagtanggap sa bagong riders.
Bukod sa dapat ay makapasa aniya sila sa skill assessment kailangang makapasa rin ang kanilang motor sa qualifications.
Nabatid na anim na buwan tatagal ang pilot implementation ng motorcycle taxis.
Pagkatapos nito, muling pag-aaralan ng pamahalan kung dapat na nga bang magkaroon ng motorcycle taxis sa bansa.