Angkas, nagsumite lamang ng higit 2,000 Authorized Riders

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na aabot lang sa higit 2,000 Authorized Riders ang isinumite ng Motoricycle Taxi Service na Angkas sa kanilang technical working group.

Sa open letter ng DOTr sa social media para sa Angkas, sa kabila ng guidelines na itinakda ng TWG para sa registration ng authorized riders, ang Angkas ay nakapagsumite lamang ng 2,204 authorized riders.

Anila, malayo ito sa sinasabi ng angkas na mayroon silang 27,000 partner riders.


Igniit din ng DOTr, binuo ang TWG para pag-aralan ang feasibility ng motorcycle ride-hailing service.

Pinuna rin ng ahensya ang tila paggamit ng Angkas ng “public spectacle” para sa tangkang i-monopolya ang serbisyo.

Bago ito, pinalawig pa ng TWG ng hanggang anim na buwan ang pilot run ng motorcycle hailing operations, kasama ang mga bagong players – Joyride at Move It.

Facebook Comments