Tuesday, February 17, 2026

ANGKAS PATAY, DRIVER SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE ANG SINASAKYANG MOTORSIKLO SA SAN JACINTO

Sugatan ang isang driver habang patay naman ang angkas nito matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo madaling araw ng Pebrero 17 sa kahabaan ng national road sa Brgy. Sta. Maria, San Jacinto, Pangasinan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas tres ng madaling araw habang binabagtas ng 25-anyos na driver at 46-anyos na angkas nito ang kurbadang bahagi ng kalsada sakay ng isang motorsiklong walang nakakabit na plaka.

Ayon sa imbestigasyon, nag-overshoot ang sasakyan at bumangga sa konkretong bakod sa gilid ng kalsada. Dahil sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang driver at ang kanyang angkas.

Kapwa sila nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa Mapandan Community Hospital. Gayunman, idineklarang dead on arrival ang angkas ng attending physician.

Nagtamo rin ng pinsala ang motorsiklo habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments