Plano ng motorcycle ride-hailing platform na Angkas na paabutin ang kanilang serbisyo sa labas ng Metro Manila kapag naging batas na ang pagsasalegal sa motorcycle taxis.
Ayon kay Angkas Regulatory and Public Affairs head George Royeca – ang trapiko ay hindi lamang nangyayari sa Metro Manila.
Sa ngayon, nag-o-operate ang Angkas sa Metro Manila at Metro Cebu sa ilalim ng six-month pilot test habang sinisilip na rin ang pagkakaroon ng operasyon sa ilang pangunahing siyudad sa bansa gaya ng Davao, Cagayan de Oro at Batangas.
Facebook Comments