Angkas sa Motorsiklo, Papayagan kahit walang Barrier sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Pinapayagan na ang angkas sa motorsiklo sa Lungsod ng Cauayan kahit wala na ang kontrobersyal na paglalagay ng barrier sa pagitan magkaangkas.

Ito ay matapos magpulong ang ‘Unified Local Authorities of the Philippines (ULAP)

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, ito ay matapos aprubahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hindi paglalagay ng barrier sa motorsiklo sa mga nakasailalim sa Modified at General Community Quarantine.


Ayon pa kay Dy, kinakailangan lamang na magsuot ng facemask, gloves at helmet ang magkaangkas bilang paraan para makaiwas sa paghawa sa virus.

Inatasan na rin ng alkalde ang pulisya na pag-ibayuhin ang pagbibigay paalala sa mga motorista na magsuot ng proteksyon sa pag-iwas sa virus.

Facebook Comments