Angkas, sinita ng PNP dahil sa “sexist” promotions nito

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa motorcycle ride hailing service na angKas na ihinto ang mga ‘sexist’ promotions nito.

Sa Twitter post ng Angkas, may isang post ito na may katagang: “Angkas is like sex. It’s scary the first time pero masarap na ulit-ulitin.”

Napuna rin ang salitang “angkasariwa.”


Ayon sa PNP, hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong promo advertisements ng Angkas at mas tatakutin lamang nito ang mga pasahero.

Giit pa ng PNP, hindi nito isinusulong ang public safety sa transportasyon.

Tinapik na ng PNP ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para gawan ng aksyon hinggil dito.

Facebook Comments