Manila, Philippines – Nagpahayag na rin ng suporta si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa motorcycle hailing service na Angkas.
Ayon kay Concepcion – ang pagbuo ng online platforms ay resulta ng ating ekonomiya na binago ng digitalization.
Aniya, ito ang nagbukas ng malawak na access sa money and market sa mga Filipino entrepreneurs.
Magagawa na ng mga entrepreneurs na direktang makapagbenta o mailapit ang serbisyo sa mga konsumer, partikular ang Angkas.
Itinuturing nang ‘marketplace’ ang Angkas na mahahalintulad sa iba pang ride-hailing apps gaya ng Grab.
Facebook Comments