Ikinatuwa ng Angkas ang pagkokonsidera at pag-aaral ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa isinumite nilang safety features sakaling payagan silang makapamasada muli sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Angkas Spokesperson George Royeca na may idinesenyo silang divider na kawangis ng face shield sa pagitan ng rider at angkas nito bilang proteksyon sa COVID-19.
Bahagi rin ng kanilang proposal na isalang sa medical study ang divider para makatiyak na mapipigilan nito ang transmission ng virus.
Pagdating naman sa roadworthiness, ibinida ni Royeca na 99.97% ang safety rating ng Angkas na nangangahulugang ligtas ang mga pasaherong sumakay sa kanila.
Facebook Comments