Angkas, umapela sa LTFRB kaugnay sa desisyon nitong bawasan ang kanilang mga riders  

Nagpadala na ng apela ang Motorcycle Taxi Service na Angkas sa land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa bagong probisyon para sa Transport Service Provider.

Ayon kay Angkas Regulatory and Public Affairs Head George Royeca, kinukwestyon nila ang anim na probisyon para sa Motorcycle Taxi Pilots.

Kabilang na rito ang Arbitrary Cap na 30,000 bikers para sa Metro Manila At 9,000 para sa Metro Cebu.


Tanong ni Royeca, bakit ililipat ang ilan sa mga bikers nila sa mga bagong players, ang ‘Joyride’ at ‘Move It’ na hindi pa subok, lalo na sa on-ground experience.

Inabot aniya sila ng tatlong taon kung paano pangasiwaan ang 27,000 bikers habang ang mga bagong players ay inaasahang hahawak ng 10,000 bikers sa loob ng tatlong buwan.

Giit pa ni Royeca , mapipilitan ang mga commuter na tangkilikin ang “habal-habal” lalo na at tinapyasan sila ng supply ng mga partner-bikers.

Umapela rin ang Angkas sa LTFRB na isama sa proposal na i-require ang mga participating companies na magkaroon ng Dedicated Emergency Response Team na may Proper Qualifications.

Pinakukunsidera rin ng Angkas sa LTFRB na magkaroon ng network ng partner Hospitals at Doctors.

Hiniling din nila sa LTFRB na irekunsidera ang mungkahing magtatag ng pondo para bayaran ang Accident Payments at pagkakaroon ng Insurance Consortium para sa mga PUVS upang mayroong suportang pinansyan sakaling magkaroon ng aksidente.

Facebook Comments