ANGKAT | NFA, balak mag-import ng bigas

Manila, Philippines – Balak ng National Food Authority (NFA) na mag-import ng 350,000 metric tons ng bigas bago ang unang anihan sa susunod na taon.

Paliwanag ni NFA Grains Marketing Operations Division Director Rocky Valdez – makakatulong ito na mapagtibay ang government stocks.
Nagsumite na aniya sila ng rekomendasyon sa Food Security Committee na siyang nagsusuri ng lebel ng stock sa domestic grains.

Umaasa ang NFA na makakapagpalabas na ang komite ng evaluation kung mag-aangkat ng bigas o hindi.


Facebook Comments