
Cauayan City – Ipinagpapatuloy ng Brgy. Nungnungan II ang inisyatibong naglalayong pagyamanin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng communal gardening.
Ayon sa mga opisyal ng Barangay, ang mga ani mula sa nasabing communal garden ay ibinebenta upang makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng barangay, o kaya’y ibinibigay nang libre sa mga indigent o nangangailangang residente. Sa paraang ito, napagsasama nila ang kalinisan, kaayusan, at pagtutulungan ng komunidad.
Plano ng barangay na ipagpatuloy at palawakin pa ang inisyatibang ito ngayong taon bilang bahagi ng kanilang pangmatagalang adbokasiya para sa isang malinis at maunlad na pamayanan.
Facebook Comments









