ANIBERSARYO | Mga pulis na namatay sa Marawi Siege, muling binigyang pugay ng PNP

Marawi – Binigyang pugay muli ng pamunuan ng Philippine National Police ang kanilang mga kabaro na nasawi sa naging gyera sa lungsod ng Marawi.

Unang nagpahatid ng kanyang muling pakikiramay si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa mga pamilya ng mga pulis na nagbuwis ng buhay sa operasyon kontra sa Maute ISIS terrorist group.

Sa gyera sa Marawi City, pitong pulis ang nasawi, ang mga ito ay kinilalang sina Police Senior Inspector Freddie Solar,Police Inspector Edwin Placido, PO3 Alexis Mangaldan, PO1 Junaid Mama, PO2 Moises Kimayong, PO3 Alexis Laurente, at PO2 Daniel Tegwa na pawang mga tauhan ng PNP Special Action Force.


Ang pagbibigay pugay ng pamunuan ng PNP sa mga bayaning pulis ay dahil sa paggunita ngayong araw ng anibersaryo ng paglaya ng Marawi sa pagkaka-kubkob ng Maute ISIS terrorist group na nagtagal ng halos limang buwan nang nakalipas na taon.

Sa gyera 165 na sundalo at Pulis ang namatay.

Facebook Comments