Anibersaryo ng CPP-NPA-NDF, ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang ika-50 anibersaryo.

Sabi ni CPP-NPA-NDF founding Chairman Jose Maria Sison, nananatiling “relevant” ang kanilang grupo makalipas ang limang dekada.

Sa official twitter account ng CPP, ibinahagi nito ang ilang litrato at video ng “final rehearsal” nila bago ang selebrasyon.


At kasabay ng anibersaryo ng CPP-NPA-NDF nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para rito.

Pinayuhan ni AFP spokesman Colonel Noel Detoyato ang lahat na mag-ingat at manatiling mapagmatyag laban sa maaaring pag-atake ng mga rebelde.

Para kay Detoyato, wala naman dapat ipagdiwang ang CPP-NPA-NDF dahil wala umanong “achievement” ang grupo na pwedeng ipagmalaki.

Sa live interview RMN Manila kay Colonel Gerardo Zamudio, assistant chief of air staff ng Phillippine Air Force – hinimok nito ang publiko na huwag suportahan ang gawain ng teroristang grupo.

Ayon naman kay PNP Chief Oscar Albayalde, walang namo-monitor ng anumang banta ng panggugulo pero patuloy silang nakabantay sa posibleng pag-atake kaugnay ng CPP anniversary.

Facebook Comments