Anibersaryo ng CPP-NPA, pinaghahandaan narin ng PNP

May deployment na rin ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa nalalapit na ika-56 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Dec 26, 2024.

Ayon kay PNP-PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, hindi nagpapakampante ang Pambansang Pulisya lalo na’t posibleng magkaroon ng mga pagkilos sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pokus ng kanilang deployment ang mga lugar na mayroon paring presensya ng communist terrorist groups.


Kasunod nito, tiniyak ni Fajardo na nakahanda ang PNP Headquarters na mag-augment ng pwersa sa kanilang local stations na mayroong presensya ng mga terorista.

Facebook Comments