Wednesday, February 25, 2026

Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution at Trillion Peso March rallies,  nananatiling payapa—PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling payapa ang isinasagawang anibersaryo ng Edsa People Power Revolution at Trillion Peso March rallies ngayong araw, as of 12 pm.

Nabatid na naka-full alert status ang mga kapulisan at mahigit 14 libong personnel ang idineploy sa buong Metro Manila para magbigay seguridad sa nasabing malaking pagtitipon.

Ayon sa pulisya patuloy ang pagdating mga tao at inaasahang dadami pa ito pagsapit ng hapon.

Ayon naman kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., wala namang na-mo-monitor na anumang pangunahing insidente, mayroon lamang mga malilit na “friction points” pero agad din naman umano itong naaayos ng quick reaction teams.

Dagdag pa ni Nartatez, na malinaw ang utos nito na ipatupad ang maximum tolerance at irespeto ang karapatan ng mga dadalo sa mapayapang pagtitipon.

Facebook Comments