Manila, Philippines – Tatapatan ng ilang sektor sa pamamagitan ng mga aktibidad ang pinahigpit na seguridad ng PNP sa idaraos bukas na selebrasyon ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA 1 People Power Revolution.
Ala 7 pa lang bukas ng umaga, magtitipon na ang mga progresibong grupo sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue, at magsasagawa din ng programa.
Sa kanilang programa, tututok ito sa mga kinakaharap na problema ng mahihirap na sektor ng lipunan halimbawa na dito ang pagsasapribado ng social services, deregulasyon ng mga strategic industries, anti-poor taxation at labor contractualization.
Bandang alas 9 ng umaga- magkakaroon na ng pagtitipon ng grupong Laban ng Masa sa Bantayog ng mga Bayani, kung saan ilulunsad nito ang“Kongreso ng Masa”
Pagsapit ng ala una ng hapon saka lang magmamartsa ang grupo sa Camp Crame at sasanib sa ibang organisasyon na kasapi ng Laban ng Masa.
Bahagi ng kanilang programa ang pagkundena sa anila ay elite democracy na naitatag ng mga dilawan pagkatapos ng pag alsa ng taumbayan noong 1986, habang pinipuna naman nila ang mga pagbabago sa Duterte administration na nakakaapekto sa kabuhayan ng mahihirap na sektor.
Ang kilos protesta ng progresibong grupo ay iba pa sa mga aktibidad ng militanteng grupo at mga kritiko ng administrasyon.